Search This Blog

HOME

Welcome! You can find everything here...

Thursday, December 12, 2019

DES Teachers' Holiday messages through Original Christmas Poems Compositions


PASKO
by Elisa M. Ochinang

Ang Pasko ay si Hesus
Isinilang anak ng Diyos
At siya ang tumubos sa kasalanang lubos

Ang Pasko ay pagmamahalan
Kaya tayo’y  mag-ibigan
Saan man dako naroon
Sa lahat ng panahon

Ang Pasko ay pagbibigayan
Kaya lahat ay inaanyayahan
Na magbigayan
Kahit walang kapalit na inaasahan

Ang Pasko ay araw ng kasayahan
Saan mang dako sa mundo ay nagtatawanan
Kaya sino ka man ay inaanyayahan
Upang ang diwa ng Pasko ay makakamtan

WANPIPTI
by Marjorie M. Lemon

Paskong may galak
Damdami'y humahalakhak.
Ngayong kapanganakan ni Kristo
Tayo'y maging honesto.

Mga ilaw ay kumikislap-kislap,
Malamig na hangin ay nalalanghap.
Ibahagi ang pag-ibig,
Mula sa pusong maligalig.

Puso'y muling hahagkan
Ng sayang hindi mapapantayan.
Diwa ng pasko'y mahalaga
Ito’y kaarawan ni Hesus na dakila.

Mabuting mungkahi,
Ngayong pasko'y umibig.
Dahil ang pusong mapagbunyi,
Nabibigyan ng wanpipti.

SA PASKONG DARATING
By: MARICEL S. EDUARTE

Sa paskong darating
Aking hinihiling
Na ikaw ay aking makapiling
Masakit man isipin na wala ka saakin

Oh! Mahal ko akoy nagsusumamo
Sa darating na pasko, ikaw ay makapiling ko
Ang lagi kong hiling, sana’y iyong dinggin
Akoy umaasa na ikay nasa aking piling

Kay hirap ng ganitong nararamdaman ko, sa araw ng pasko
Ako’y nalilito bakit ganito
Kaya panalangin ko sa susunod na pasko
Ikaw ay makasama ko oh! Mahal ko sa darating na pasko.

ANG DIWA NG PASKO
By: CRISELLE S. RAVANILLA

Ang tunay na diwa ng pasko
Ay pagmamahal at pagbubuklod ng bawat tao
Nais kong ipabatid, ang diwa ng pasko
Ay ang pagmamahal ng ating kapwa tao

Pagibig sa puso, nati’y hindi magbabago
Kung palaging nandiyan panginoong hesu kristo
Ang pagbibigay ng oras at pagmamahal
Ang tunay na sangkap ng maligayang pasko;

PASKO
by Janet G. Sibolboro

Pasko na naman
Araw ng pagbibigayan
Pamilyang nagkakasiyahan
Masayang nag-aawitan

Ligaya sa mata ng bata
Makikita ang tuwa
Munting hiling
Sa paskong darating

Ang pasko’y gawing puno ng galak
Hirap may dumatinghindi masisindak
Kapaskuhan hatid ay pag-asa
Sa diyos lang tayo magtiwala

Pasko araw ng pagbabago
Pagpapatawad ng bawat puso
Munting regalong naibgay
Malaking tuwa ang taglay

  PASKO
by MARLYN C. CASABAR

Isa  dalawa tatlo papalapit na ang pasko
Apat,lima anim ramdam kong ang maginaw na hangin,
At nang sa pagaganap ng kapaskuhan
Maningning ang kapaskuhan tunay na kabuluhan.

Paskong kay saya at kaliga ligaya
Taglayng pagmamahal ng bawat isa
Kong iyong sasabihin tunay na kahulugan mararamdaman
Tunay .na kapaskuhankung tignan ang simbolo ng kapaskuhan.

Hindi sa material na bagay mapapatunayan ,
Bagkos ito ay nasa puso
Waring puso ang mararamdaman
Taglay na pagmamahal.


ANG PASKO
Maristela E. De Peralta

Pasko! Pasko!
Napaka saya ng pasko
Maraming Pagkain, Maraming Regalo

Panahon ng Pagmamahalan
Panahon ng Pagbibigayan
Tayo ay Magsaya sa araw na ito.

Dahil ito ang Kaarawan
Ng ating mahal na
Hesu Kristo

No comments:

Post a Comment